|
|
Wednesday, September 21, 2005
server down | new server activated
SERVER DOWN
NEW SERVER ACTIVATED
PLEASE VISIT THE LINK BELOW!
Posted at 09:30 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Tuesday, September 20, 2005
Music of the moment: Assertion | Typecast
September 8 - tulog lang ako
September 9 - tulog lang uli
September 10 - inaus ko eong mp3 at pc ng yinsan ko...
September 11 - ang lakas ng ulan... inaus ko uli mp3 at pc ni 'te pech.. indi talaga gumagana ang mp3 niya sa pc, kaya nagdownload na lang siya ng mga kanta sa pc dito sa bahay.. inabot kame ng madaling araw kasama si 'te yum... sa sobrang lakas ng ulan nung gabi, binaba muna namin eong mga aso..
September 12 - unang araw ng pasukan... marami ang nawala sa section namin... kumonti na lang kameng mga CA.. lumipat na ang kaibigan ko, si Arvin. si Irvin, skool mate pa ren at kaklase ko.. unang araw din ng pagkita namin ng mahal ko...
September 13 - lakas talaga ng ulan! kainis... sarap ng klase namin sa Compo (lab). html designing na kame. mukhang mapapadalas ang kasipagan ko ngayon. nagkaroon kagad kame ng mp1 (machine-problem), gagawa kame ng personal website. ipu-publish ko pa naman sana ang website ko... (http://www.emotyko.cjb.net) kaso, indi daw pwede ang made or pre-made na personal website. dapat daw on-the-spot gagawin. kaya, gawa ng lang ako ng bagong website ko. buti na lang at dala ko eong FD ko para copy-paste na lang ang gagawin ko. ang inasikaso ko na lang ay eong layout tapos dikit na lang ang mga codes. ehehe..
September 14 - lakas pa ren ng ulan... T_T tapos ng klase, SM North na ako.. kita kame ng mahal ko.. saglit lang kame duon tapos uwi na, malakas kase ang ulan..
September 15 - 230
September 16 - sarap ng tulog ko tapos biglang nag-text si Irvin. anong oras daw ang pasok.. kase, inurong ang sked namin.. wala na akong pasok ng 8-10 kaya mahaba-haba ang tulog ko. inabutan ako ng ulan pagpasok ko, pero may dala naman akong payong.. wala nang klase sa ibang skool, kame meron pa rin. pagdating ng last subject ko, wala kameng prof.. badtrip ako. buti na lang dumating sina Von-Stross at si Emman. tambay kame sa 3rd floor kasama si Irvin at si Arvin, dumalaw si Arvin sa skool namin. pinagusapan namin si "Jiggly-puff". si *t0ot*, ang paboritong prof ng buong campus namin. sa sobrang galeng niya magturo, lahat kame ay tulog. minsan, nagwo-walk out na lang basta-basta.. tambay naman kame sa Mini-Stop, malakas pa kase ang ulan. tapos uwi na.
September 17 - NSTP kame. pupunta kame sa mga barangay tapos maglilinis, at kung anu-ano pang mga kabalbalan ng pwedeng gawin. tagal naming naghintay ni Irvin sa shop ni Christian. indi pa dumadating si Morris at si Christian, pero maya-maya dumating na si Christian at wala pa rin si Morris. tinawagan na lang namin si Morris sa bahay pero sabi ng erpat niya busy daw ang pamilya nila kaya baka indi daw siya makapunta kaya nauna na kame. nung una, ang gulo ni christian sa pagkausap sa kalihim ng barangay kaya ako ng lang ang kumausap.. dadayain na lang daw. *ehehe* aus, isa-sign na lang daw niya tapos pwede na kame umalis. sinamahan ko na si Irvin sa skool kase may klase siya tapos sibat na ako sa SM Mega. nung bandang hapon, nakita ko ang kabanda kong si Julian kasama ang kapatid niya at ka-tropa tapos nagkasalubong pa kame ni Nepumoceno. ganda ng incident...
September 18 - gawa lang ako ng web-design.. inaus mga scripts ko.. dumating erpat at ermat ko nung bandang gabi na.. sermon nanaman.. todo.. inaantok ako sa kanila.. sumakit leeg ko..
September 19 - umalis ako sa bahay ng walang dalang pera, walang laman ang tiyan, walang laman ang puso.. umalis ako ng bahay ng pagalit.. tahimik lang ako sa skool.. lahat sila nagtanong sa'kin kung baket ang tahimik ko ngayon, pero sinabi ko na lang na inaantok ako at ang lamig kase.. laro kame ni Von, Irvin, Hao, Lim ng Yugi-Oh.. yung cards.. tinuruan nila ako.. medyo natututo na ako.. bandang tanghali, kumain kame ni Irvin kasama si Gaddi ng footlong.. nagkita kame ni Julian at ni Arvin.. isang stick lang ako ng yosi sa araw na ito.. badtrip kase eh! wala kameng ginawa sa P.E. nagdala pa ako ng uniform pero buti na lang pwede na ang kahit anong kulay ng jogging pants, basta white tshirt ang pangtaas.. indi na rin ako mahihirapan magdala ng gamit.. nung bandang uwian, sinamahan ko si Arvin kumuha ng mga forms.. lilipat na kase siya ng skool.. tagal ng registrar.. nagchchat pa kase.. indi muna unahin ang trabaho.. tapos sinamahan naman ako ni Arvin sa student council office kase may meeting daw ang mga players para sa intrams namin sa September 28.. chess ang laro ko.. dapat darts, kaso nawawala na ang pins ko.. walang tao, kaya sibat na kame.. uwi na ako.. pagdating sa bahay, diretso ako sa kwarto tapos higa.. pagod sa araw na ito.. pagod kakaisip.. sermon nanaman ang nadatnan ko.. indi na titigil ang kakasermon sa'kin.. nung bandang hapon, pinabili ako ng gamot sa mercury.. nung pauwi na ako, bumili ako ng tatlong donut at dalawang mane.. wala lang, trip ko lang bumili.. kanina pa nagtetext sa akin ang mahal ko na tumawag ako kaso indi nga ako makatawag kase bawal nga ako makipagusap sa kanya.. erpat ko ang may ayaw na magging kame (sa ngayon) ok lang naman sa kanila na kame pero, pag-aaral ko raw muna.. mababa na ba ang 2.05 na GPA? peste! maski papuri sa erpat ko, wala akong narinig sa kanya.. mababa pa para sa kanya... pinakamataas na nakuha ko ay 1.75, pinakamababa ay 2.75.. pucha! mababa pa rin sa kanya.. ayoko na! ang mahal ko naman, text ng text na tumawag ako, miscol ng miscol.. sana naman intindihin niya ang sitwasyon ko.. wag puro ang sa kanya..
10th Month Aniversarry namin ng mahal ko...
September 20 - umalis nanaman ako ng panay mura ang binuga sa akin... pagkagising ko, eon kagad ang mga naririnig ko... agad ako umalsi... walang dalang pera.. walang baon, walang kakainin at walang kinain.. gutom na ako.. dalawang araw na ako indi kumakain.. aga kong pumasok sa skool kaya tambay muna ako.. halos ako na ang magdiscuss sa klase tungkol sa HTML... nung bakante ko, punta kame nina Lim, Gaddi at Ryan sa Penthouse.. sa tuktok na floor.. kwentuhan lang kame duon.. tapos kaen kame ni Ryan ng footlong.. balik sa campus tapos halos ako nanaman ang nagdiscuss tungkol sa html... pinublish ko ang bago kong layout bilang example.. tapos nung uwian, tambay lang ako sa library... basa ukol sa JavaScripts tapos internet lang ako duon... nilaro ko eong pinapalaro sa akin ng mahal ko... natapos ko na.. halos masuka ako sa katabi ko kase Ogrish ang pinapanuod nila... dinadaysect eong katawan ng babae... nililipat eong organs kung saan-saan... *ulk* indi ko talaga makayanan kaya umalis muna ako... tapos balik uli sa net nung umalis na sila... browse lang ako ng mga sites.. dahil wala akong pamasahe pauwi, nilakad ko na lang hanggang bahay... nakipagbati na ako sa ermat ko.. kiniss ko lang aus na... tapos kumain na ako ng tanghalian ko ng 4:00pm... gutom talaga ako.. wala pa akong pambili ng NSTP shirt ko na 120 php... tapos inedit ko ang layout ko... final touches tapos ready to pub.. balik uli sa server..
Posted at 07:34 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Wednesday, September 07, 2005
movie marathon part 2 | sampal-gulat
Music of the moment : apoy | greyhoundz
Feeling : pagod
September 5 – umuwi ako sa cavite… linis ng bahay, pakain ng aso, higa, nuod ng Fantastic Four, Troy, The Rundown at Mr. and Mrs. Smith…
September 6 – gising, kain, pakain ng aso, nuod ng Van Helsing, Bigfish, Emperor’s New Groove, Batman Begins at Stealth… may napanuod ako sa Star Channel at woWow na indi ko naman alam an title… sayang, ang ganda pa naman ng palabas… tatlong palabas eon na indi ko alam ang mga title…
September 7 – punta ako sa Makati… inasikaso ko eong PET Plan para sa tuition ko… diretso ako sa Caloocan… txt ng txt erpat ko na asikasuhin ko kagad eong tuition ko at diretso na kagad ako sa bahay dito sa Caloocan… pagkatapos kong mag-enroll, punta na ako sa bahay kase may pinapabili ermat ko… pagdating ko sa bahay, tsinek ko eong sked ko… iba ang binigay sa aking sked… indi pareho ng kinuha kong sked… sabi ng ermat ko, indi na daw ako babalik ng cavite… dadalhin na lang dawn g erpat ko eong mga gamit ko sa Friday… peste! Pupuntahan ko pa naman ang mahal ko… sayang!!! Tinext ko pa naman siya na pupuntahan ko siya sa skool nila tapos indi pa natuloy… hay… tumawag ermat ko sa skool para i-clarify eong sked ko… tapos narinig ko na lang na may kausap siyang prof ko… si ser. Gonzales! patay! Sinumbong ako ng prof ko… mga kalokohan ko, lahat sinabe! Indi pumapasok, mukhhang tambay lang kung pumorma, madalas tumambay lang, paeasy-easy pero at least naman daw mataas ang grades ko sa kanya… buti si ser. Gonzales lang ang kinausap… 1.75 ang grade ko sa kanya kaya walang problema eon, pero ang problema ay sinumbong niya ako… T_T
Posted at 03:57 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Sunday, September 04, 2005
Music of the moment : twilight – kjwan
Feeling : miss ko na siya!
September 1 – punta ako sa skool para kunin eong Assessment ko…. Nanduon sina Von-Stross, Emma at eong isa nilang kasama na hanggang naun indi ko alam ang pangalan.. ang tawag lang nila ay: tanda… tambay sa skool hanggang 12:30 tapos uwi na ako… mga 2pm ng hapon, dumating ang mga kaklase ng utol ko… gawa daw sila ng defense nila… singit ng singit sa kompyuter… indi ko matapos trabaho ko… baka magalit si boss pag indi ko kagad natapos… indi kase alam ng utol ko na may trabaho na ako… kala kase niya naglalaro lang nanaman ako… *lintek siya!*
September 2 – punta uli ako sa skool para magpaaus ng breakdown ng miscellaneous fees… tapos pagupet na ako… T_T
Nakachat ko si boss, kelangan na ng bagong layout para sa up-coming ish… sabi ko, malapit na ako matapos… binigyan ako ng extension… pinakabusy kong araw…
September 3 – tulog lang ako buong araw… pag-gising ko, samut-saring misscol at text ang na-receive ko… steady lang ako sa bahay…
September 4 – pinatuyo ko ang mga bagong paligong aso… tulog uli ako… kulang pa ako sa tulog… nagising ako ng 4:30pm dahil may nagtext at ang kulet… indi ko siya kilala… lagi siyang nagtetext ng I miss you nah! At kung anu-anong cotes… indi ko mareplayan kase ala akong load… sasabihin ko sana: p*t@ng-!n@ mo! Kung sina ka man!
Inutusan ako ng ermat ko bumili ng gamot, tuyo, sagging, siopao at itlog… tapos eto naman utol ko, pa-dagdag pa! bilhan ko dawn g refill ng face-powder niya… matapos bilhin ang lahat, except duon sa refill kase ala na, tingin ako ng lace at internet card… tambay lang muna ako sa pwesto ni ate internet… ehehe… chikahan lang kame…bat daw ako nagpagupet, kamustahan… tapos uwi na ako…
Posted at 06:30 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Tuesday, August 30, 2005
fucking sembreak | HAPPY BIRTHDAY SARAH | movie marathon | dean's list |
Music of the moment : drumbeats in my heart
Dadada - Cyndi
Feeling: fucked-up and hollow
Aug 18 - exam sa Cisco at Compo...nanadya eong prof namin sa Cisco, tadtad kame ng machine problem at conversion ng mga codes... galit kase sa section namin eon... sisiw lang ang compo. paguwi sa bahay, sermon. pagupit na daw ako. pinagalitan nanaman. ang daldal kase ng mga tao. mas gusto ko pa nung nasa cavite pa ako, walang nangenge-alam... hinagis lahat ng gamit ko, pinagtatapon lahat.
Aug 19 - 9th month anniversary naming ng mahal ko!!!!
exam sa English at Math1. ang saya ng essay sa English, gawa ng paragraph tungkol sa mga typical days in a college freshmen days! yahoO, emo nanaman at indi ko sinunod ang instruction at gumawa ako ng sarili kong subject... eto ang essay ko.
i light a match, still hoping and wishing for the moments i had for years.
same hours, the same life sheds a tear for an open wrist.
i know it's not deserving, that's why im falling away now.
im only affected by it's after taste of what used to be the sweetest.
still living in a lie for no reason at all.
a funeral design for an embrace.
a demented kiss meant for the tormented.
uhm, indi ko natapos ang essay part kase kinulang ako sa oras. andame kaseng puro paragraph making...*sigh* sisiw lang ang Math. tapos ng exam, ayoko pang umuwi, papagalitan lang nanaman ako sa bahay. tinext ko ang mahal ko, wala kase silang pasok. pinapunta ako sa Sm Mega, kita na lang kame duon. paguwi ko, sermon nanaman. lintek!
Aug 20 - last exam, Math 2! si sir.dennis ang proctor! aus, kopyahan to da mAx! ok lang sa kanya. ehe.. tapos ng exam, dmating ang mahal ko sa skool namin. alis kame, punta kame sa Sm North. paguwi ko, pinagalitan ako ng todo! pumunta daw erpat ko sa skool ko tapos sabi daw ng gard, wala daw mga tao. aba'y lintek! sira-ulo! hinagis nanaman ang mga gamit ko! sinira lahat! binugbog pa ako ng erpat ko. grounded ako. cellphone, pera, lahat kinuha. nung gabi, umalis sila, punta sa ospital... pinatawag ko ang mahal ko sa bahay tapos duon ako naglabas ng sama ng loob. iyak ako sa kanya tapos eto naman ang epal kong kapated, lagot daw ako pag nalaman nila.
Aug 21 - wala akong magawa kundi matulog... peste! grounded pa rin ako... start pa naman ng sem-break ko...
Aug 22 - pinauwi ako sa cavite... kainis. pagpasok ko ng kwarto, napangiti kagad ako. may namiss ako dito. higa kagad ako sa kama, yinakap ang mga unan... sana mahal ko na lang ang yakap ko. boring, tv lang libangan ko. pati eong drums ko pero di ko magamit... ayoko kaseng pahalata sa mga kapitbahay na nandito ako sa cavite... inaus ko eong playstation ko para magamit ko naman sa pagtugtog. wala akong kausap, hinahanap-hanap ko ang mahal ko! nababaliw na ako... tapos inaus ko na ang mga gamit ko. pagtingin ko sa wallet ko, pati pera ko kinuha! aba'y lintek nga naman! pinagtrabahuhan ko eon! grr
Aug 23 - nanaginip ako kagabi, may sariling bahay na ako kasama ang mahal ko. kaming dalawa lang ang nakatira duon. pero, panaginip lang... sana totoo. pagbukas ko ng tv, lintek nanaman! tinanggalan ako ng cable! patugtog na lang ako. ginutom ako nung 4pm. heto na kase ang nagging breakfast, lunch at dinner ko, dalawang pancit canton... tapos lumabas ako para ikabit eong cable ko. akala nila ha! laro ng ps, patugtog tapos sermon nanaman nung gabi. pagupit na raw ako. pero ayoko, matigas ulo ko. tapos ng mahabang sermon, kain nanaman ako ng tinapay at ang palaman ay: "sawsaw mo na lang sa orange juice". nuod ng Pinoy Big Brother. napaisip ako habang nanunuod nito. paano kaya pagkasali ako? ano kaya maggiging buhay ko duon? mababaliw lang ako kakahanap sa mahal ko. imposible naman na may matipuhan ako. lahat kase ng gusto ko sa isang babae nakuha na ng mahal ko. "perfect" ika nga... nothing compares. pero, paano naman kung mahal ko naman ang nanduon?
Aug 24 - pagkagising ko, tinanggal nanaman ang cable sa kwarto ko. kulet nila! kumain ako pero sampung subo lang. pagtugtog uli. nung hapon, inaus ko nanaman ang cable tapos pinadillig ako ng halaman. kain ng hapunan, sampung subo lang uli. pinakain ang mga aso tapos nuod na ng tv. nakita ko si Cyndi (english name ng isang Chinese singer) may bagong single siya... "dadada" eong title. sa wakas! nakita ko uli siya!!! pati na rin sina BoA, Mika Nakashima, Zhao Wei, Shui Qi, Karen Mok, Utada hikaru at si Kuraki Mai!!! eto lang ang habol ko pag nandito ako sa cavite. may Chinese MTV! 'zteeg! napanuod ko pa ang Mayonnaise sa TxTube, "A day in a life with Mayonnaise!" tapos tulog ako. (hirap matulog) 2am na, di pa rin ako makatulog..
Aug 25 - ginising ako kase darating eong magdi-deliver ng bigas at pupunta lang muna sila sa palengke. pero tulog uli ako. tapos maya-maya, may nagdoor bell. eong delivery. wala akong magawa. basa na lang ako ng Huck Finn ni Mark Twain. nung gabi, patakas ako umakyat para buksan ang pc. kala nila indi ako marunong kumalikot ng lumang pc! ako pah! course ko ata 'to! at last, nabukas ko. hehe! duon ko na ginawa eto.
Aug 26 - ginising ako para magpatuyo ng aso. bagong ligo. tapos umalis sila. takas uli ako sa pc. gabi na sila dumating, sinundo pala nila ang utol ko. sembreak na rin ata nila. bumili din sila ng DvD.
may baong MTV si Zhao Wei!!!
Aug 27 - isang tulog na lang, kaarawan na ng mahal ko.
Aug 28 - HAPPY BIRTHDAY SARAH!!! I LOVE YOU!!!
wala nanamang cable sa tv! tinanggal nanaman nila ang koneksyon ko! tulog ako buong araw... nung sinermonan nanaman ako nung hapon, ina-take ako... sabi pa nila nag-iinarte lang nanaman ako. nag-iinarte pa ba eong bumabagsak ka na at sumusuka ka? aun, nakatingin lang sila at sinesermonan ako habang naghihingalo na ako.
Aug 29 - patugtog lang ako buong araw... punta kame sa Caloocan mga 6pm.
Aug 30 - kinuha ko eong Grade Slip ko. kasama ang erpat ko. alam ko balak nito, paguwi dederetso kame sa barberya. *peste* nung kinuha ako grade ko, laking tuwa ko! pasado lahat! kinongratulate pa ako ng mga prof ko kase isa ako sa mga matataas! pero nung pinakita ko sa erpat ko eong card ko, dedma lang at sinermonan pa ako! nung nasa labas kame sa may parking lot, harap lang ng U.E. at AMA, sinermonan ako duon sa harap ng maraming tao at estudyante! kakahiya... kita pa ako ng mga tropa ko. pero ok lang. kung indi daw ako magpapagupet, indi na daw ako mag-aaral kahit pa scholar ako. uwi kame, pinakita eong card sa ermat ko, agad siya tumawag. sabi nila, "dean's lister" ako. pagupet na daw ako sabi ng ermat ko, kundi, indi na daw ako ie-enroll...
Mga pinanuod ko
My wife’s a gangster
Willie wonka and the chocolate factory (unang version ng Charlie and the choco-ekek)
Anything else
Feng sui
Skeleton key
Like mike
Posted at 05:20 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Wednesday, August 17, 2005
Music of the moment : tita, tito, magulang, ate at dalawa kong pinsan na naguusap at nagtatawanan
Feeling : happy
Color of the day : brown
Aug 13 - umalis ako ng bahay ng mainit ang ulo ko… nag-away pa kame ng ermat ko dahil nanaman sa hitsura ko… sinundo ko mahal ko tapos punta kame ng Gateway… kumain kame sa GoNuts Donuts... tapos nun punta kame sa Sm Manila... tamang libot lang... laro kame ng air hockey sa Quantum... indi pa rin makabawi ang mahal ko sa score ko sa kanya nuon... ehehe... tapos laro kame ng Racing... lagi na lang niya ako binabangga... eheh... tapos inuwian ko siya ng pagkain niya... kahit pam-merienda lang... dalawang ecclairs at dalawang cream puff... eon kase ang naisip kong gusto niya... tapos sibat na kame... dapat hahatid ko pa sa may malapit sa kanila... kaso pag ginawa ko pa eon, indi na ako aabot sa klase ko... first time ko pa lang naman papasok duon... kaya, pinauna na niya ako... pagdating ko sa skool, sakto lang ang dating ko... nagsisimula pa lang sila mag exam... tapos graded recitation... exempted ang mga reporters... kaya kelangan ko pa rin mag recite... isa-isa tinawag... pag indi ka nakasagot, sasabihin na lang sa iyo ng prof: "out!" pag nakasagot ka naman: "next"... ganun lang ka-dali... sa lahat ng tinawag, ako lang ang nakasagot... ehehe... la enta! nung pauwi na ako, nakasalubong ko ang tita at tito ko... hinahanap ang pinsan ko... sabay na daw ako sa kanila... aus, libre ako ng pamasahe... tapos tulog ako pagkauwi ko...
Aug 14 - balak ko matulog buong araw... kaso biglang tumawag ang pinsan ko... ausin ko raw pc niya... inabot ako ng anim na oras kase wala siyang mga programs na pangtanggal... hiram ko eong mga cd ng erpat ko... siya rin ang nagaus ng iba... kase indi ko na kaya... nahihilo na ako... kahapon pa masakit ang ulo ko...
Aug 15 - pagkatapos ng klase, hinahanap ko pa ang prof ko sa P.E. at NSTP... iisa lang naman ang prof ko duon... papasa kame ng project sa NSTP tapos nagpasign na ako ng permit sa P.E. para indi na ako babalik ng 1pm... sibat na kagad ako... dumaan muna ako ng Recto at binilhan ko ng cd ang pinsan ko... pasalubong... bumili lang ako ng unting burloloy sa mga ukay-ukay... wala akong nahanap ng hikaw ng pinapabili sa akin ni 'te yum... wala pa kase si manong suki... pagdating ko sa LRT2, peste! code red sila dahil naubusan ng tiket ang vending machine nila... magji-jeep na lang sana ako pero sinabi sa 'kin ng babae na meron na raw tiket... balik nanaman ako sa taas... medyo badtrip na ako ng unti... sakto ang dating ko sa skool nila... punta kame ng mahal ko sa Parco sa may West ave... may gusto kase siyang chocker duon... kaso, ala kameng nakita... bracelet lang... pagduktungin na lang... punta sa SM North, bili ng shake, kaen sa Burger Machine, laro sa Quantum ng Air Hockey (indi pa rin makabawi ang mahal ko sa 'kin... ehehe)... tapos sibat na... dumaan muna ako sa skool para kunin ang take home exam ko sa Algeb... nakita ko ang mga kaklase ko at nagpa-photocopy na lang ako... tinatamad ako kumopya... ang dame kase... nagkaroon ata ng raid sa mga poste sa kabilang street kaya sa kabila pa kame na pa photocopy... andame kase mga naka-jumper na kuryente... tapos uwi na ako...
Aug 16 - Linggo ng Wika Day!! yahoOo!! walang klase! activities lang! ngayon ko lang nakita ang campus namin na maraming tao at nagsisiksikan... mukha atang, kumpletong attendance... dahil wala namang klase, sibat na ako... may contest pa naman ako pero nagback out na ako kase ala namang enta... mas pipiliin ko naman ang pagpunta sa mahal ko kesa duon... pagkadating sa skool nila, punta kame sa Gateway, Farmers tapos sa Megamall... nuod kame ng sine...
The Longest Yard

tapos uwi na siya... dumaan muna ako sa Grand Central sa may Monumento para magparefill ng ink ng printer... bigla na lang may humawak sa braso ko at sinabing : "anong name mo? number? cute ng hair mo... anong style yan?" nagulat na lang ako... akala ko kase, magnanakaw... diretso lang ako pero sunod pa rin ng sunod... ang kulet ng pucha! pero maya-maya, nagsawa na din... uwi na ako ng bahay... nagpaprint ng project sa pinsan ko... indi kase gumana eong ink... wala kase eong isa pa... tumawag erpat ko... sinigawan ako sa telepono... kung anuano ang pinagsasabi... bat indi ko raw muna tinignan kung may laman pa eong black na ink, eh siya mismo indi rin alam kung may laman pa! nung binaba ko eong telepono, nakita na lang ako ng utol ko na umiiyak... nagpatugtog na lang ako ng malakas kahit gabi na... alam na nila eon na galit ako... kaya medyo pinabayaan muna nila ako maglabas ng galit... tapos kumalma na ako nung nagreply eong mahal ko... nagtext kase ako sa kanya nun... sinabi ko sa kanya na sinigawan ako ng erpat ko... salamat talaga sa iyo mahal... ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin... I Love You!
Aug 17 – tambay lang sa skool… walang klase… check lang ng attendance… pagkauwi ko sa bahay, tulog ako…
Posted at 05:51 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Friday, August 12, 2005
Music of the moment : a decade under the influence | taking back Sunday
heroes in a dying age | valley of chrome
pansinin mo | juana
disguising mistakes with selby | emery
glorietta | mourning September
reinventing your exit | underoath
Feeling : masakit ang likod ko
Color of the day : black
Aug 5 - isang klase lang ang pinasok ko... tapos sibat na ako... pagdating ko sa skool ng mahal ko, mainit ang ulo kase indi ako makareply sa kanya kung nasaan na ako... binilisan ko talaga kase magagalit nanaman sa akin eon... 10mins late ako sa usapan namin... tapos malakas pa ang ulan... wala rin akong dalang payong... kainis... sa SM Centerpoint na lang kame kase kulang sa oras... at para malapit lang sa skool nila... sobrang pinapataba ako... nung hinatid ko na uli sa skool nila, daan uli ako as recto... nakita ko ang cd ng Under Oath... naalala ko, nagpapabili ng cd ang pinsan ko... kaso nakalimutan ko ang title... dalawang album pa naman ang meron sila... kaya, pinagpaliban ko muna... tapos, nakita ko ang album ng Kittie... pakinggan niyo ang album nila... dalawa ang album nila... pinarinig lang sa 'kin ito ni Irvin... mga babae ang miyrmbro at underground ang tugtog nila... nagulat ako at naggr-growl ang vox nilang babae... boses lalake kung mag-growl... parang boses ng vox ng Whorlock... ang Saydie naman, babae din ang vox, pero babaeng-babae mag-growl... sibat na ako at dumaan muna ako sa skool namin para magpa copy ng program ng TC kaso, walang tao sa I.T. Office... kainis...
Aug 6 - may klase ako ng 3-5pm... pero umalis ako ng 7:30 at pinuntahan ang mahal ko sa skool... di ko inakalang maaga ako makakarating duon... kung load lang sana ako, natext ko na siya na nanduon na ako... pero aus lang... kumain kame sa GoNuts Donuts, pumunta sa Araneta, Gateway at SM (indi ko alam kung anong SM eon... basta malapit lang sa Cubao Station ng MRT... siguro, Sm Cubao eon... ang liit lang pala nun... at deparment store lang ang meron kaya sibat kagad kame at pumunta sa SM Megamall... nanuod ng sine
CHARLIE AND THE CHOCOLATE FACTORY

paborito kase ng mahal ko si Johnny Depp... tapos nun, kumain kame sa Maxim's... naghanap pa kame ng charger ng cellphone niya sa CyberZone... ang mahal... siyempre... napadaan pa kame sa tindahan ng abu-bot... narinig ko ang katabi ko, sabi niya: "wala na bang bawas 'to? sige na oh" natawa na lang ako... kase saan ka ba naman nakakita ng "tawaran" sa SM? eh, fixed price na po ean... ehehe... inuwian pa ako ng mahal ko ng Cadbury... ehehe... sa totoo lang, eon ang pinakapaborito kong Cadbury chocolate... ang Dairy Milk... ehehe... nahuli ng mahal ko eon! sa may station, nakakita kame ng bentahan ng charger at duon na lang kame bumili... dapat 150, natawaran ko ng 140... dapat 130 na lang kaso ayaw ni ate... sayang... hanggang sa tricycle station ko na lang hinatid... tapos uwi na ako... habang naglalakad ako sa MRT station, pinapapak ko na ang uwi sa akin ng mahal ko... tinago ko eon kase pag nakita ng utol ko, siya ang uubos nun... ehehe... dadamutan ko muna siya...
indi ko inaasahan na may magpaparamdam sa akin ng ganuon... ang akala ko, tapos na ang lahat... huling paguusap nanamin eon... kaso, nung nabasa ko ang mensahe niya sa akin, iba ang dating... wala sana akong balak magparamdam duon pero... baket? sinabi ko nang huli na eon... last time nung kinausap ko siya, a week before ng pasukan ko... mga first week of May pa eon... tapos eto nanaman?? ang weird...
may nakabasa ata ng entry ko nung Aug 4... di ko inaasahan na may magrereact... sa mga sinabi ko, sorry... nagging marahas ata ang mga salita ko kase galit ako... pero, indi ako galit sa tao... kundi sa mga pangyayari... kung bati, eh di bati... ang hinahanap lang namin ay /peace\ walang away...
Aug 7 - tulog lang ako buong araw… pahinga naman…
Aug 8 - umuwi ako pagkatapos ng Math 1 & 2 ko… wala kaseng klase… dahil nilipat na ang sked ko… tapos pasok uli ako ng 1pm para sa PE... practical test... last day na rin ng PE namen para sa sem na ito... dumaan ako sa CSB... baba ako sa may DLSU-Taft... habang naglalakad ako, bigla na lang ako inakbayan... akala ko kung sino, kinabahan... kala ko magnanakaw...
si Sha lang pala eon... matagal na rin kame indi nagkita matapos ang graduation nila... peste! di ko inaasahan eong pangyayaring eon... habang naglalakad kame, nakita ko naman iba pang mga ka-skoolmates ko nung highskool... mga Setonians... ang laki na ng pinagbago nila... gusto ko sana silang kamustahin kaso, indi na ako nagpakita... tapos nun, sisibat na sana ako nun kaso pinakain ako ni Sha sa KFC... chickahan, tawanan, tapos uwi na ako...
Aug 9 - tutugtog sana kame ng mga kabanda ko... kase busy kameng lahat... gumawa kame ng program design sa Access tapos eong mga codes sa Visual Basic... medyo nanibago ako... kase pinaghalo... nung hayskool pa lang ako, ginagawa na namin eon kase ang Access ay para lang sa Access at ang Visual Basic ay para lang sa Visual Basic lang... tapos uwi na ako...
pumunta pa ako sa bahay ng pinsan ko kase inaus ko eong pc nila... tapos uwi na uli ako... gumawa ng mga projects at malapit na ako matapos duon sa project namin sa Cisco!
Aug 10 - nagkasalubong kame ni Julian, kabanda ko, pati na rin si Von... nagyaya si Julian tumogtog kase hanggang 11:30 lang daw ang klase niya... kame naman ni Irvin, hanggang 12pm at si Von hanggang 2:00 pa... sayang... wala kameng klase sa NSTP, pinasa lang eong project namin... kaso may mga kulang pa kame ng ka grupo ko,sina Arvin at Irvin, kaya ulit uli kame... naginternet lang muna ng saglit sa Lab tapos sibat na kameng tatlo... pumunta kame sa bahay ng ka-churchmate ni Arvin na si Kuya Tom... ginawa ko eong Turbo C prog nina Irvin at Arvin... indi ko na gaano tinapos kase kelangan ko na umuwi kase magagalit nanaman ang mahal ko sa akin pag late ako umuuwi sa bahay... pero, bago umuwi kumain muna kame duon sa bahay ni Kuya Tom... pagkatapos uwi na ako... mga 3pm na ako nakauwi... galit sa akin ang mahal ko kase kanina pa siya tumatawag sa bahay at wala ako... (patay) tinapos ko ang project ko sa Cisco na Turbo C programming din... ico-compile kase namin ang mga program into one program lang... eh andame nun... buti na tapos ko na kagad... inabot ako ng dalawang araw at sa dalawang araw na iyon tig-dalawang oras ako nakababad sa pc... kung pinagsama mga apat na oras ko pinogram eon... *phew* nagpaprint ako sa pinsan ko... ganun din, compilation din ng mga program... humiram ng cd at uwi uli...
Aug 11 – walang prof nanaman sa CSCI… ehehe… tapos sa Compo, may prof pero ala na daw kameng klase… tapos na raw kame at finals na lang ang hihintayin… kumuha kame ni Irvin ng permit tapos sabi ng mga kaklase ko, may finals daw kames a Euthenics ngayon… pero sabi nila, pag tinanong ng prof kung may permit na kame, sabihin na lang naming na wala pa at bibigyan na lang kame ng take home exam… ehehe… isa ako sa mga nagsabe ng inde kaya, ligtas ako… wala ring klase sa CSCI-Lab… inaus ko na lang ang program ng mga kaklase ko… tinulungan ko sina Irvin, Arvin at si Michael… tapos uwi na ako… medyo kainis lang kase dumating ang magulang ko… haay… mga hapon ay umalis ako at pumunta sa palengke para bumili ng sipet ng damit… paguwi ko, tumawag si ‘te yum at nagpapasama sa akin na bumili ng ulam sa may Dan Hill… duon pa eon sa La Co… chickahan tapos uwi na rin…
Nataandan ko…meron pa akong nakalimutan… may jamin nga pala kame ng kabanda ko… *shet*
Sa araw na ito, kumpletong attendance ko nakita ang mga “adm” ko… (adm=secret *toot*)
Adm number 1 – nakasabay ko sa elevator… kameng dalawa lang… *shet*
Adm number 2 – sa third floor nakita at nakaupo lang malapit sa registrar office
Adm number 3 – katabi ko siya sa Compo-Lab 2 at gumagawa siya ng project gamit ang pc niya… *waa*
Adm number 4 – kasama niya si adm number 3 at pareho silang gumagawa ng project
Adm number 5 – ang prof ko sa Algeb… J
Aug 12 – walang prof nanaman sa Trigo… pasok ako sa Algeb… eto ang nakakahiyang moment ng prof ko dito… nag-joke siya… pero, siya lang ang tumawa… indi ko alam kung napansin niya na korny siya… sunod na klase, English… lintek naman! May prof kame at pinagsabihan pa ako ng dambuhalang prof namin na bagong palit dahil wala na eong prof naming dati… first time ko lang daw pumasok sa klase niya… indi daw ako umatend ng klase niya last week… dalawang araw na lang daw kame… tapos may quiz daw bukas… zero kameng lahat sa percentage ng assignment.. nagkaroon lang ng isang assignment sa buong finals naming at ni isa ay walang nakagawa… ang pambawi na lang namin ay eong quiz bukas at ang final exam… wag na daw ako umabsent…
Posted at 04:44 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Thursday, August 04, 2005
Music of the moment : lie - saydie
apoy - greyhoundz
buried myself alive - the used
krolithikah – saydie
last time - typecast
Feeling : tired
Color of the day : blackish red
Aug 2 - walang kwentang araw... ang aga ko pa naman natapos sa machine problem namin sa Compo... nung tinignan ko yung record ko, may singko akong isa... naalala ko nga pala, indi ko kinuha eon dahil wala ako nung mga oras na eon... naki-usap ako sa prof namin,si Sir. Dennis... buti na lang at pinagbigyan akong gawin eon... hehe... nakulitan na siguro sa 'kin... dapat 2pm pa uwian ko, kaso dahil maaga nga ako natapos... balak ko sanang puntahan ang mahal ko kaso wala kameng contact... baka pagpunta ko duon, eh nasa bahay na pala siya... kaya umuwi na lang ako...
nung gabi, pumunta si 'te yum samin... nakipag-chikahan... masaya siya dahil nakaunlimted siya... kung sino sino ang katext... tapos may nasagap akong balita mula kay *toot*... peste naman... indi namin alam kung baket biglang umikot ang magulo niyang mundo... nagkaganito na kame simula nung 'rok on concert sa Sm North... eywan namin sa kanya... kung laglagan pala ang gusto niya, tignan na lang naten... pag magkaharap tayo p're, nilalait mo ang isa... pag nakatalikod na, lalaitin mo naman yung isa... ang galing mo tsong... daig pa ng bunganga mo ang pwet ng manok... ang drama mo pa! kung umasta ka, kala mo "shyota" mo na eon... o baka naman, "chumachampe ka nanaman gaya ng sinabi mo"
pati ang isa nating pinsan, gaganunin mo?? mahiya ka naman... nagging pinsan ka pa namin... dait, naalala ko, sabi mo... "walang laglagan" pero, sino na kaya ngayon?? naalala ko rin nung kasama natin ang mga ka-banda ko at ka-tropa ko, sobra mo ako nilait nun... daig mo pa ang kinuwento mo ang buhay ko... kulang na lang, gumawa ka ng libro at isulat ang mga storya ko ng kabal-balan... lahat eon sinabi ng mga kaibigan ko at kaibigan mo!... nagulat na lang ako nun nung nalaman ko sa kanila... at sa kanila ko pa nalaman... masyado kang magaling... aus ka, pag patuloy mo lang yan... at sa babaeng pinagnanasahan mo, (sorry sa term pero, ganun talaga ang nakikita kong pagtrato niya sa iyo) masyado mo kaseng pinabayaan... ikaw pa naman ang babae, dapat magging "conservative" ka naman... kase, indi kayo (nga ba?) tapos kung anuano na ang pinaggagagawa ninyo... expose pa sa public... mahiya naman kayo... may tamang lugar para diyan at hindi kung saan-saan... dapat, kung hanggang saan lang kayo, dapat hanggang duon lang ang limit ninyo... wag mag-exceed dahil ang sagwa... babae ka pa naman... alagaan mo na lang ang sarili mo... huwag kang pumayag na mahulog sa mga bitag niya, sa mga drama niya na akala mo eh sobra siya magbigay ng effort at para sa kanya wala kang ginawa... unahin mo sarili mo... /peace\ lang tayo!!!
Aug 3 - tadtad kame ng quiz... sa Trigo at Algeb... may lakad kame ng mahal ko kaya nagmadali na ako... pinaprint ko kagad ang project namin... ang hirap pa naman humanap ng cafe ng tumatanggap ng FD... medyo nataggalan ako maghanap buti na lang meron... tapos binigay ko na kay Irvin ung project... sabay na kame ni Arvin na pumunta sa LRT... sa D. Jose na kame nagkahiwalay... pupunta kase siya sa U.E. Recto at ako naman, sa mahal ko... pagdating ko sa skool nila, tumambay muna ako kase wala pa ang mahal ko... after 15mins, dumating na siya... kumain kame sa Tokyo Tokyo sa may Sm Centerpoint... tapos lakad-lakad... pagsapit ng 1pm, bumalik kame sa campus nila pero gumala muna kame sa mga pc-han... 1:30 pa kase klase niya... bumalik na uli kame ng campus kase kelangan na... naghahanap ako ng pa-loadan kase nagpapaload siya... kaso wala... nagshopping muna ako sa Recto... tingin ng charger ng cellphone, headset ng telepono, socks na parang may pattern para sa mahal ko... pero, wala akong nakita... inikot ko na pati sa raon... kakaiba kase ang saksakan ng telepono niya... maliit... mahirap maghanap... pero, pagtiyatiyagaan ko eon... bumili ako ng buddha beads na maliki na nilalagay sa bag... sa ibang stolls 40 pesos... pero nakuha ko eon sa isang stoll na 30 pesos tapos bumili na rin ako ng mga anim na band sa halagang 10 pesos... nakagasta ako ng 40 pesos sa recto... pagdating ko sa sangandaan at papunta ako sa dan hill (bilihan ng mga ulam), nakita ko ang tito ko nagmo-motor... buti na lang at nakatalikod ako... kase pag nakita ako nun, tiyak na isusumbong ako nun dahil sa itsura ko... hehe... pagdating ko duon, peste! wala pa silang ulam!!! mamaya pang hapon... eh, 3:30 pa lang... haay... uwi na ako... muntik ko pang kalimutan nun na loloadan ko pa ang mahal ko... dumaan muna ako kay ate at suki na ako duon... ambait talaga ni ate... tapos nun, bahay na ako...
tinapos ko muna eong Naruto sabay alis para bumili ng ulam… sisig eong binili ko… bumili pa ako ng mane nung nasa daan na ako pauwi… dumaan pa ako sa bahay ng kaibigan ko para lang mangulet… tapos, pag dating sa may amin… tinawag ako para makikain sa party… birthday kase ni King… eong bata duon… kasama ko sina ‘te yum at ‘te pech… nanduon din eong tita ko… andame kong nakain… naisip ko tuloy, saying eong pagbili ko ng sisig… ok lang eon.. para sa kapatid ko na lang…
Aug 4 – nagkaroon ng quiz sa Cisco… at, bagsak ako…tinopak kase ang prof namen sa ingay ng klase namin… 9am, wala kameng prof kaya sinamahan ko na lang sina Irvin at Arvin sa pc-han… buti na lang at pinahiram sa ‘kin ni Irvin ang mp3 niya… indi na kame pumasok sa Euthenics… pagbalik namin, wala nanaman prof sa Cisco (lab)… kaya, kumain na lang kame tapos uwi… an aga tuloy ng uwian namin… at isa lang ang nagging klase namin… kung pwede nga lang eh, pinuntahan ko na lang ang mahal ko… kaso may klase pa siya… imposible na magkita kame nun… kaya pagkauwi ko, diretso tulog ako… sobrang pagod kase ako nung mga nakaraang araw… dame kong inaatupag… daming projects, side-lines… indi ko na alam kung ano ang uumpisahan ko… indi ko pa matapos-tapos eong project ko sa Cisco dahil sa utol ko… indi kase ako makasingit sa pc… lagi na lang niya pinapapatay… indi ko tuloy matapos eon… kapag sa labas naman ako rerenta, magsasayang pa ako ng bayad… kung duon naman sa pc-han ng kaibigan ko, nahihiya na ako… kase lagi na lang libre… yan tuloy…
Sa mga nakaraang araw na ito, andameng gumagambala sa isipan ko… mga gusto kong mangyari at mga ayaw… ewan ko, lagi akong kabado ngunit indi ko alam ang dahilan… sana, may sarili akong mundo kung saan walang bawal… walang mawawala sa kin… indi mapakali ang isipan ko… gusto kong kalimutan ang mga problema kaso, lagi na lang sumisingit… kung kelan masaya na ako, bigla ko na lang maiisip eon… nakakapanira ng araw… baket pa kase? Basta ang alam ko, walang mangyayaring masama sa iniisip ko… hanggang isip ko lang eon… indi magkakatotoo… malakas ang paniniwala ko…
Nung mga nakaraang araw din, nagging matahimik nanaman ako… sobrang pagod kase ako… nawawala sa lugar ang paggiging badtrip ko kaya minsan tumatahimik na lang ako… kunyari walang nangyari… tinitiis ko na lang ang pagod ko… basta’t nakasama ko na ang mahal ko, aus na ako… kahit nanduon ang mga gumagambala sa isip ko, sumasaya na ako… sana, lagi na lang siya nanrito sa tabi ko… at indi na mawawala pa… indi ko na kase kaya… saglit na nga lang kame magktia di gaya nuon… dati, parati kame nagkikita kase magkaklase kame at magkatapat lang kame… kaso ang problema, indi kame gaano nagpapansinan… ewan ko, mukhang may nahihiya… o nagkaka-ilangan kame… saying ang mga pagkakataon na eon… napaisip ako nun… habang nariyan pa ang isang bagay, indi ka gaano mageexert ng effort… pero pag nawala na ean, hahanap-hanapin mo… gagawin mo lahat para lang duon… ganun ang nangyari sa amin… kaya nagsisisi ako… dapat sinulit ko na nung magkikita pa kame halos araw-araw… nasa huli na talaga ang pagsisisi… kung kaya’t nga, bumabawi ako ngayong kolehiyo na kame… pagbubutihin ko talaga ito…
Posted at 07:32 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Monday, August 01, 2005
Music of the moment : another minute until ten - typecast
assertion - typecast
modelo - saydie
what she said - long since forgotten
last time- typecast
all that I’ve got - the used
Feeling : anger!!!
Color of the day : Olive green
July 29 - pagkatapos ng walang kuwentang klase ko, sibat na ako... nag round trip pa ako kase nasa LRT na ako tapos nagtext na eong mahal ko na sa SM North na lang kame magkita... eh di, balik nanaman ako... nilakad ko ang Monumento Station hanggang sa MCU... anong oras na eong... baka naghihintay na siya... ordinary bus na lang ang sinakyan ko... sa may Comic alley kame magkikita... pagdating ko sa SM North, nasa may MRT pa siya... akala ko na late ako... susunduin ko na sana sa entrance kaso nanduon na daw siya... lintek... patay ako... mag-init ang ulo ng mahal ko... T_T
kumain na lang kame sa Shakey's... kase wala akong maisip na kainan... pictyur na unti... sibat na kame... hinatid ko sa skool kaso indi rin umabot... late na siya kaya pinauna ko na... naghintay ako sa waiting shed nila from 1pm -3pm... ang tibay ko... medyo nakakailang lang... kase all-girls ang nanduon... paglabas ng mahal ko, diretso kaagad kame sa SM Mega... hinatid ko sa may kanila, tambay MCDO tapos gabi na... ayoko pa sanang umuwi kaso kailangan na... gabi na talaga... lagot ako pag-uwi ko...mga 8pm na ako nakauwi at tustado talaga ako nun... galit na galit sa akin ang erpat ko... ermat ko, walang kibo... nakigamit pa ako ng pc kela 'te yum at 'te charm para lang mailipat kaagad eong mga pictyur namen at maaus ko na eong FD ko... ang gulo eh, tsaka may virus... pero naaus ko na rin... indi na ako kumain ng hapunan... ligo diretso tulog...
July 30 - pumunta kame ng erpat ko sa SM North para bumili ng hardisk ng pc... antrapik! lintek na MMD@ yan!!! kung saan-saan pa kame pina-ikot... sinarado kase nila ang mga U-Turn slots... yan tuloy... pagdating, dinala namin eong CPU para ipa-check up... wala ngang pag-asa kase sira na eong unang sector ng drive... kaya papalitan na lang... eh, di bumili kame... at nagulat ako... kase 10secs lang, open na eong windows lahat-lahat... di gaya nuon, 24hours bago mo magamit... at nasa DOS pa lang siya nun at binabasa pa lang eong windows... ehehe... nagshopping pa kame ng erpat ko... bili ng chocolates, hopia, Aji-Ichiban... dapat bibili siya ng sandals niya... kaso ala siya nakita... andameng tao sa SM... 3-day-sale kase at nanduon pa ang Orange and Lemons... pati rin ang Shamrock... gusto ko sanang manuod ng Orange and Lemons... kaso nagmamadali na erpat ko... eh di sibat na kame...
July 31 - tamad na tamad ako... indi kase ako makasingit sa pc... eh, indi rin akin ang gamit ko... peste!
Aug 1 - andame naming quizzes... pero, madadali lang naman... ehehe... umuwi ako ng mga 10 kase walang prof... balik ako duon ng 12:45... tapos nagbihis na ako ng pam P.E. sa mga oras na ito, nabadtrip ako nung nakita ko ang pagmumukha ng dalawang ugok na iyon... pati rin sa may accounting office... nung kinukuha ko eong i.d. ko... kaso uulitin daw nila iyon kase mali eong pangalan ko... peste naman!!! pagsakay ko sa jeep, siningil ako ng driber ng 7.50
eto ang storya:
[manong driber] 7.50 ang pamasahe
[ako] estudyante ho ako
[manong driber] patingin ng i.d.
[ako] eto...*sabay abot ng id*
[manong driber] id ba eto???! eh, andaling dayain to eh!
[ako] eh ganun ang id namen eh, kase bago lang ako duon... temporary lang yan...
[manong driber] may bayad ba eto?
[ako] oo
[manong driber] patingin ng resibo
[ako] aba! wag na nga!!! eto na 7.50 mo!! *sabay dabog*
[manong driber] ang mga ganyang id eh, dinadaya lang yan!
[ako] *aba lintek na kurakot amputa!*
may bagong sakay na dalawang nursing student na may uniform na!
[gurl 1] ma, bayad
[manong driber] san to?
[gurl 2] sa may Navotas lang ho
[manong driber] 7.00 ang pamasahe
[gurl 1] estudyante ho kame
[manong driber] 7.00 ang bayad mula dito hanggang duon
[ako] *kausap si gurl 2* miss, kurakot yan... dapat nga sais lang yan
[gurl 1] estudyante naman ah
[gurl 2] onga
[manong driber] otso kase dapat dahil nga estudyante kayo, 7.00 na lang
[ako] *kausap si gutl 2* kurakot noh? sabi sa iyo eh... ganyan din ako kanina
[gurl 2] hay nako!
hanggang duon lang ang kwento kase sa sobrang inis ko, bumaba na ako...
Posted at 03:51 pm by | emotyko |
| view and post shouts
Wednesday, July 27, 2005
Ang masasabi ko lang… ang saya ng kahapon ko…
I love you mahal!!!
Maraming salamat sa lahat
Posted at 10:35 am by | emotyko |
| view and post shouts
|
|
|